__Lihim Na Pagsinta__
Page 1 of 1•
__Lihim Na Pagsinta__
Lihim Na Pagsinta
Nang makilala ka ikaw ay di na malaya
Ganun pa man sa iyo'y lihim na humanga
Hindi masabi pagka't ayaw kitang mawala
Baka pag nalama'y iwasan na akong bigla
Alam kung nadarama ko ay hindi tama
Hindi ito pinilit, ito ay hindi sinasadya
Puso ko ay tumibok sa iyo ng kusa
Kaya ikinukubli kahit ito'y lumuluha
Anong sakit kapag kayo'y aking nakikita
Pilit sinasalubong ng ngiti kahit nagdurusa
Hindi ko man lang masabing mahal kita
Hanggang kelan maitatago ang nadarama
Sana kahit sa panaginip ika’y makasama
Doon kaya kong mayakap at mahagkan ka
Hindi na ikukubli aking tunay na pagsinta
Kung mangyari man ayaw ko ng magising pa
(this poem is requested by a friend of mine)
Re: __Lihim Na Pagsinta__
bakit ang pag-ibig ay sadyang ganyan
kahit batid na nating ito'y hindi makakamtan
kahit sa gunita, mayakap,mahagkan at mahawakan
masunod lamang ang tibok na nararamdaman.
kahit na sabihing ito ay kahibangan
ang pag-ibig ay pilit na ipaglalaban
lalu na sa duguang puso at sugatan
lahat ay hahamakin, makamit ka lamang.
ang pag-ibig huwag nating pakasobrahan
sapagkat lason din ito sa isip at katawan
paano kung ikaw'y masawi at maging talunan
hindi ba't sa huli ikaw din ang pagtatawanan.
oo nga ang pag-ibig ay dumarating
kahit anung pigil malakas talaga ang dating
kung ikaw ay mapana ni kupido
siguradong ang puso at isip ay lito
kung ikaw naman ay iibig
doon lamang sa tunay na walang ibang iniibig
upang hindi masayang ang oras at iyong pagmamahal
sa huli makamit mo ang tagumpay at hindi lumabas na isang hangal.........redfox007
idol more........tungkol naman sa buhay-buhay!

Last edited by redfox007 on Thu Oct 09, 2008 6:28 am; edited 11 times in total
Re: __Lihim Na Pagsinta__
kapag ang pag-ibig ay bawal
ito ay nararapat lamang na iwasan
upang walang mawasak na tahanan
walang maiwan na pusong luhaan
minsan talaga ay di maiwasan
magkaroon ng pangyayari na di maunawaan
basta lagi lamang tumawag sa Poon nating mahal
upang malayo tayo sa kasalanan...