...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...

Post new topic   Reply to topic

View previous topic View next topic Go down

...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...

Post by mikEL on Mon Oct 06, 2008 8:52 pm

...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...

matagal akong di nakagawa ng tula
pagkat di gumana isip ko at diwa
kahit anong pilit hindi makagawa
hindi magampanan pagiging makata

ngayon ay muli kong susubukan
papel at panulat muling hahawakan
ang akda kong ito taos pusong alay
sa mga kaibigan na animo'y ulam

AdObO wag isiping ako ay naghihinayang
kung biglang naglaho ang ating samahan
mabuti nga iyon at aking nalaman
tiwala mo sa'kin ay hindi lubusan.

kahit ano pa ang iyong isipin
hindi na iyon mahalaga pa sa akin
basta ang alam ko di ako sinungwaling
kaya taas noo saan man makarating.

tinOLA totoong marami kang napatunayan
dahil sa talino't angking kakayahan
pero talagang di ko maunawaan
bakit nagpabulag sa iyong tagumpay.

huwag ka naman sanang mapagmataas
pagkat mundo'y bilog kaibigang liyag
paano kung kinang mo ay biglang kumupas
kanino ka kukuha ng tapang at lakas.

mEnUdO wag mo naman sanang masamain
pero ang pangyayari kayhirap unawain
kung kaligayahan ay nais mong kamtin
wag mapaglaro sa pag-ibig man din.

lagi mong reklamo ika'y nasasaktan
kaya sawa ka na sa mundong mabuhay
paano madarama ang kaligahayahan
kung ang lahat sayo pawang laro lamang.

kArE-kArE kahit bago kitang kakilala
alam ko na ikaw ay okey kasama
kapag kalungkutan iyong nadarama
nakahanda akong dumamay tuwina.

sa bawat sandali wag kalilimutan
kaibigan ako na malalapitan
kapag mayrong takot sa puso't isipan
magiging lakas mo ako at sandalan.

bArbEkyU ako ay nagpapasalamat
sa sobrang tiwala na iginagawad
iyong mga daing na inilalahad
wag kang mag-alala maglalahong lahat.

kailangan mo lang na maging matatag
sa mga pagsubok huwag patitinag
tuloy po ang buhay puso man ay wasak
pagkat balang araw liligayang ganap.

kALdErEtA sa kabila ng iyong mga ngiti
alam ko na ikaw ay may ikinukubli
sige kung gusto mo ay magkukunwari
magbubulag-bulagan sa bawat sandali.

sana ay siguraduhin mo lang
pagbabalakatyo mapangangatawanan
paano kung sa huli iyong matuklasan
sinasakyan lang kita sa nais mong galaw

sinigAng hindi kita iiwanan
kaya wag matakot sa mundong lumaban
ang pagsubok sayo ay makakayanan
basta sa tuwina palaging magdasal.

di ko man magawang ika'y mapatawa
sa iyong pagluha sasamahan kita
anumang sabihi't isipin ng iba
iyong mga kamay hahawakan t'wina.

imbUtidO alam mo bang ako ay natatawa
sa mga kwento mong sadyang kakaiba
sige kong nais mo pagbibigyan kita
sasakay lang ako sayong mga drama

sige ipagpatuloy mo ang pag-eemote
magkunwari ka na ika'y malungkot
pero sana ikaw huwag sisimangot
pag lahat sa iyo tuluyang nabagot.

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...

Post by amie sison on Tue Oct 07, 2008 3:28 pm

wow...how about mga kaibigan na tungkol sa paborito mong isda...

amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

LeoPig
Posts : 2087
Joined : 08 Feb 2008
Age : 25
Location : seoul

Back to top Go down

Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...

Post by mikEL on Tue Oct 07, 2008 6:03 pm

tnx po miss amie sa reply

dnt wori po
malapit na
isda naman isusunod natin

ung mga prutas q kazee
marami nabulok
hehehe

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...

Post by chayen on Sun Oct 12, 2008 10:29 am

galing mo prend :hug:
cge post ka pa ng marami ligaw
idol idol kambe
Your love, O Lord, reaches to the heavens, your faithfulness to the skies.


chayen
Ambassador
Ambassador

Posts : 2393
Joined : 04 Jun 2008
Location : s.korea
Cellphone no. : 01051904012

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum