...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post new topic   Reply to topic

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down

...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by mikEL on Sat Aug 23, 2008 7:39 pm

ANGEL

A-ng galing mong gumawa ng tula
wala kang katulad sa pagiging makata
marami sa iyo ang humahanga
dahil sa akda mo na kamangha-mangha

N-ais ko sana ay iyong malaman
labis kitang hinahangaan
pambihira ang iyong kakayahan
angkin mong talino di matatawaran

G-usto kong sabihin ako ay nagagalak
pagkat nakilala ka kaibigang liyag
sa mga akda mong sa puso nagbuhat
taos pusong paghanga laging 'ginagawad

E-spesyal ka para sa akin
kaya kahit pano sinubukan ko rin
hindi man makatang tunay na magaling
para lang sa iyo naging malikhain

L-agi mo sanang tatandaan
ika'y aking idolo kaibigang hirang
saan man makarating wag kalilimutan
ako'y iyong tagahanga ngayon at kaylanman...

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by angel on Sat Aug 23, 2008 8:39 pm

A-lien salamat ng marami aking kaibigan
sa tula mo ako pa pala'y hinandugan
ngayon labis-labis ang aking kagalakan
at nag-uumapaw ang aking kasiyahan

L-ikha mong tula sadya ding hinahangaan
iba't ibang tema kaya mong gawan
gamit, tao, prutas maging kulay man
lalong-lalo na kung pag-ibig at kabiguan

I-kaw ang tunay na idolo ninuman
hindi mo man aminin ito ang katotohanan
may taglay kang talino at kagalingan
sana ito ay lalo mo pang madagdagan

E-wan ko kung paano ko masusuklian
tulang alay mo'y talagang naibigan
ito lang ang aking alam na paraan
tula din gamit ang iyong pangalan

N-awa'y tula ko lang ang iyong naiibigan
baka kasi ako'y iyong balak ligawan
biro lang, sobrang seryoso kasi ang usapan
gusto ko lang mambabasa ay masiyahan




*alien salamat talaga, sabi mo kasi ikaw ay aking tagahanga kaya sa dulo iniba ko na, pero alam ko sa larangan yun ng tula , na appreciate ko talaga yung effort u at yung message ng poem u, (kilig-kilig hahaha)you're the best... halik
idol

angel
Board Member
Board Member

TaurusGoat
Posts : 847
Joined : 19 Apr 2008
Age : 29
Location : UAE
Cellphone no. : +971509149748

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by mikEL on Sat Aug 23, 2008 9:26 pm

ANGEL

A-ng galing mo talaga kaibigan
paggawa ng tula sayo'y madali lang
kanina lang tayo ay nagkukwentuhan
sa isang iglap tula mo agad nasilayan

N
-atutuwa ako sa tula mo
sa tulang sagot mo sa handog sa iyo
sadya kang magaling yan ang totoo
sa pagkamakata ay walang tatalo

G-ustuhin man kitang ligawan
ito ay di ko magagawa kaibigan
alam kong sa iyo ako ay alangan
pagkat ibang mundo ating pinagmulan

E-wan sigurado isasagot sakin
kung sakaling ikaw aking iibigin
sapagkat ang isang katulad kong alien
walang karapatan na ika'y mahalin

L-agi mo sanang paktatandaan
ako ay narito aking kaibigan
nakahanda ako sa iyong dumamay
kahit na kailan di kita iiwan... alien

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by angel on Sat Aug 23, 2008 9:40 pm

alien tula mo'y di ko na kayang tapatan
sapagkat dito ay oras na ng uwian
hindi ko na kaya pang pag-isipan
na pangalan mo tula ay muling gawan


naku alien pinahanga mo ako talaga
utak ko pinag-isip mo ng sobra-sobra
naubos at halos ay wala ng natira
sa ngayon ay kailangang ipahinga ko muna
lol! lol! lol!

paalam kaibigan ako'y uuwi na muna
salamat ulit tula mo'y gusto ko talaga
sigurado lahat ng taong makakabasa
sa pagkakaibigan natin isipin nila ay iba
hanga

angel
Board Member
Board Member

TaurusGoat
Posts : 847
Joined : 19 Apr 2008
Age : 29
Location : UAE
Cellphone no. : +971509149748

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by mikEL on Sat Aug 23, 2008 10:43 pm

ANGEL

A-no man ang kanilang sabihin sa atin
ako kaibigan naririto pa rin
hindi magbabago ang aking pagtingin
kahit ako'y isang hamak lang na alien

N-aririto ako lagi para sayo
pagkat humahanga sa'yo ng totoo
aking isisigaw sa lahat ng dako
aking kaibigan ang galing-galing mo

G-usto kong malaman sana ng lahat
ikaw sa pag-akda ay walang katapat
kaybilis gumana matalas mong utak
kaya laging hawak papel at panulat

E-xtrang kakayahang iyong tinataglay
di matatapatan ng anumang yaman
tunay ngang mapalad ang sino mang adan
makakabingwit sa puso mo hirang

L
-igaya ang tunay na madarama
sino mang magwagi sa puso mo sinta
tangi kong dalangin sa mahal na Ama
ang kaligayahan lagi mong madama

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by Cielo on Sun Aug 24, 2008 9:21 am

ano to tagisan ng makakata ng Sulyap lol!
pareho kaung magaling yan ang di maikakaila halik

Cielo
Sonsaengnim
Sonsaengnim

Posts : 1170
Joined : 18 Feb 2008

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by angel on Sun Aug 24, 2008 3:25 pm

A-lam ko ay hindi ito isang tagisan
Hindi rin naman maituturing na labanan
Para sa akin ito ay isa lang naming paraan
Upang isa’t isa ay lubos na mapasalamatan

L-ubhang napakahirap na mapantayan
Akin ni alien na talino at kagalingan
Talas ng kanyang isip hindi matatawaran
Likas na sa tingin ko ang kanyang katalinuhan

I-sa siyang batikan sa ganitong larangan
Sadyang kayrami niyang pinaghuhugutan
Di ko alam kung saa’t anong pinagmumulan
Iba’t ibang uri ng damdamin sa tula idinadaan


E-xtra-espesyal ang iyong mararamdaman
Kapag tula ikaw ay kanyang hinandugan
Pag iyong nabasa ngiti sa labi’y masisilayan
Problema’y pansamantala mong makakalimutan

N-aku sana si Eba iyo na ding matagpuan
Sigurado ang walang hanggan ninyong kaligayahan
Iwas lang baka mansanas ikaw ay bigyan
Huwag padadala sa tukso ito ay kasalanan
tawa

angel
Board Member
Board Member

TaurusGoat
Posts : 847
Joined : 19 Apr 2008
Age : 29
Location : UAE
Cellphone no. : +971509149748

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by angel on Sun Aug 24, 2008 3:26 pm

Cielo wrote:ano to tagisan ng makakata ng Sulyap lol!
pareho kaung magaling yan ang di maikakaila halik



sis cielo salamat sa comment u halik

angel
Board Member
Board Member

TaurusGoat
Posts : 847
Joined : 19 Apr 2008
Age : 29
Location : UAE
Cellphone no. : +971509149748

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by neon_rq on Sun Aug 24, 2008 5:22 pm

aba...cge kau na ang mga panalo

ako ang talo....hahhaha lol!

cge magtagisan kau ng tula..
wag lang dalhin sa hndi maganda
baka kau ay magka personalan
yan ang hndi dpat tularan...

to alien and angel.....keep it up

hanga ako sa inyong mga galing..

idol idol idol

halik halik halik

neon_rq
Congressman
Congressman

GeminiMonkey
Posts : 1842
Joined : 08 Jun 2008
Age : 28
Location : South Korea

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by chayen on Sun Aug 24, 2008 5:56 pm

gagaling niyo talaga angel,and alien idol idol

isa na kayong makata ligaw ligaw ligaw

mabuhay kau kambe

para sa inyo
]
Your love, O Lord, reaches to the heavens, your faithfulness to the skies.


chayen
Ambassador
Ambassador

Posts : 2393
Joined : 04 Jun 2008
Location : s.korea
Cellphone no. : 01051904012

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by mikEL on Sun Aug 24, 2008 10:30 pm

ANGEL

A-ko ay labis na natutuwa
pagkat ang galing mo kaibigang mutya
lahat sayo kami ay hanga
ika'y tunay na pinagpala

N
-ararapat ka lang hangaan
pagkat iba ka sa karamihan
talino mong tinataglay
walang sinumang makakapantay

G-usto ko sa'yong magpasalamat
pagkat dahil sayo kaibigang liyag
nahahasa ang aking utak
saloobin ko ay nailalahad

E
-ndless ang iyong galing
di ko kayang tapatan talino mong angkin
lahat sa'yo ay mahuhumaling
sayong katangian kaibigang giliw

N
-asaan na nga ba ang sinasabi mong eba
sana nga siya ay aking makilala
sa tukso ay di ako padadala
upang kaligayahan ang laging madama.




maraming salamat po mga kaibigan
sa mga komento sa aming pagsasagutan
wag kayong mag-alala di kami nagtatagisan
lalong hindi po kami nagpapagalingan

dito po namin dinaraan
paghanga sa isa't-isa na nilalaan
sa mga papuri na inyong alay
kami po ay kapwa nasisiyahan

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by Joel Tavarro on Mon Oct 06, 2008 7:03 pm

BRILYANTENG KAIBIGAN

Palaging sa iyo ang takbo kapag may hinagpis
Ang balikat mo ang yakap habang tumatangis
Kung ikaw ang kasama, dinaramdam ay naaalis
Hinahangaan at ipinagmamalaki kita ng labis.

Ang tunay na kaibigan ay mahirap matagpuan
Na maaasahang tunay at mapagkakatiwalaan
Sa mga problema't at pagkabalisa, sa tuwina'y nariyan
At handang dumamay sa oras ng pangangailangan.

Nakikinig kung may hinaing at silbing hingahan
Kaibigang nagpapalakas sa tuwing pinanghihinaan
Walang sawang nagtutuwid, kung mali'y pinaaalalahanan
Bagamat minsan ay dumarating na nagkakatampuhan.

Ito'y nangyayari, di maiwasan at natural lamang
Para magkaunawaan, bawat isa ay magkapalagayan
upang lumalim at bumuti ang samahang pangmatagalan
Ang paggalang na tunay ay dapat pahalagahan.

Kaibigan na karamay sa oras ng pighati at kasawian
Sa hirap man o ginhawa, umaalalay maging sa kalungkutan
Palaging kaagapay, maging sa kasayahan ay nariyan
Kasa-kasama lagi sa tuksuhan, biruan at kulitan.

Kaligayahan at kayamanan ka sa puso at isipan
Ang isang tulad mo'y mahirap matagpuan
Maging kaibigan ka ay isang malaking karangalan
Marapat na pakaingatan, tulad mo'y brilyanteng kaibigan


Dedicated to my idol alien and angel..........!

Joel Tavarro
Super Sipag na Mamamayan

VirgoMonkey
Posts : 86
Joined : 13 Aug 2008
Age : 76
Location : Ilsan, Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 007

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by angel on Mon Oct 06, 2008 7:37 pm

redfox007 wrote:BRILYANTENG KAIBIGAN

Palaging sa iyo ang takbo kapag may hinagpis
Ang balikat mo ang yakap habang tumatangis
Kung ikaw ang kasama, dinaramdam ay naaalis
Hinahangaan at ipinagmamalaki kita ng labis.

Ang tunay na kaibigan ay mahirap matagpuan
Na maaasahang tunay at mapagkakatiwalaan
Sa mga problema't at pagkabalisa, sa tuwina'y nariyan
At handang dumamay sa oras ng pangangailangan.

Nakikinig kung may hinaing at silbing hingahan
Kaibigang nagpapalakas sa tuwing pinanghihinaan
Walang sawang nagtutuwid, kung mali'y pinaaalalahanan
Bagamat minsan ay dumarating na nagkakatampuhan.

Ito'y nangyayari, di maiwasan at natural lamang
Para magkaunawaan, bawat isa ay magkapalagayan
upang lumalim at bumuti ang samahang pangmatagalan
Ang paggalang na tunay ay dapat pahalagahan.

Kaibigan na karamay sa oras ng pighati at kasawian
Sa hirap man o ginhawa, umaalalay maging sa kalungkutan
Palaging kaagapay, maging sa kasayahan ay nariyan
Kasa-kasama lagi sa tuksuhan, biruan at kulitan.

Kaligayahan at kayamanan ka sa puso at isipan
Ang isang tulad mo'y mahirap matagpuan
Maging kaibigan ka ay isang malaking karangalan
Marapat na pakaingatan, tulad mo'y brilyanteng kaibigan


Dedicated to my idol alien and angel..........!



wow ang galing-galing mo naman kaibigan
kahit hindi pa tayo magkakilala ng lubusan
tula kami ni alien ay iyo pang hinandugan
mula sa puso ko ika'y aking pinasasalamatan


sa totoo lng tula mo labis kong hinangaan
tingin ko di ka na bago sa ganitong larangan
parang akda mo pangsali sa mga paligsahan
mga susunod mong tula aking paka-aabangan


thanks redfox for the poem...welcome sa sulyapinoy..i love ur poem...keep up the good work.. halik
idol

angel
Board Member
Board Member

TaurusGoat
Posts : 847
Joined : 19 Apr 2008
Age : 29
Location : UAE
Cellphone no. : +971509149748

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by Joel Tavarro on Mon Oct 06, 2008 8:47 pm

Maraming salamat at iyong nagustuhan
Hindi ko akalain na iyong pagkakaabalahan
Ang tula kong handog para sa bagong kaibigan
Bagamat hindi mo ako kilala dahil ako'y baguhan.

Sa larangan ng talataan na akin din libangan
Bagamat di tulad ninyo kayo ay bihasa sa balagtasan
Ang nais lamang ay maisiwalat ang konting kaalaman
Sa pamamagitan ng tula galing ninyo ako'y maumbunan.

Isang kaibigan ang nagsabi ikaw daw ay tunay na batikan
Sa paglikha ng mo tula ay minamani mo daw lamang
ako ay nabibighani sa mga magagandang dilag na makata
Sa mga angkin ninyong galing ako ay tunay na mamangha.



Joel Tavarro
Super Sipag na Mamamayan

VirgoMonkey
Posts : 86
Joined : 13 Aug 2008
Age : 76
Location : Ilsan, Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 007

Back to top Go down

Re: ...tULA pArA kAy idOL AngEL...

Post by mikEL on Mon Oct 06, 2008 9:00 pm

salamat sa iyo kaibigang redfox
sa tula mong handog ako'y nagagalak
tama nga si angel magaling kang ganap
ang galing mong angkin ay walang katapat.

sigurado akong sa darating na paligsahan
marami sa iyo ang mahihirapan
pagkat para sayo sadyang madali lang
itong pagsusulat na iyong libangan.

mikEL
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Posts : 213
Joined : 19 Jun 2008

Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Back to top


Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum